Pagsusuring Pelikula: Ded na si lolo
Ang
istorya ay umiikot lamang sa limang magkakapatid na nagluluksa dahil sa
pagkamatay ng kanilang pinakamamahal na tatay na si Lolo Juanito. Itong
pelikulang ito ay nagpapakita ng pagiging mapamahiin ng mga Pilipino. Ito ay may
halong katatawanan at sabay narin nito ang mga aral na iyong matututunan. Ito
ay may magandang hatid para sa atin. Ang mga tauhan ay nagbibigay ng iba’t
ibang katangian ng bawat isa sa atin. Sila ang nagsisilbing halimbawa para sa
bawat Pilipino.
Ang
kwentong ito ay nagsimula nung maga habang naghahanda si Charing ng kanyan umagahan
para sa kanyang mga anak at sa kanyang mahal na asawa. Sila ay nagulat ng
biglang may kumatok sa kanilang pintuan. Pagbukas ng kanilangn pintuan ay may
bumulaga sa kanilang masamang balita, iyon ay nalaman nila na nagpaalam na ang
kanilang ama/lolo. Si charing ay agarang nagpunta duon para masilayan ang
kanyang namatay na ama. Sinama niya ang kanyang pamilya. Nang makarating siya
ay nakita niya ang iba pa niyang kap[atid. Sila lahat ay nagiyakan dahil sa
sama na loob na kanilang nararamdaman. Sino nga naman ang di malulungkot kapag
pumanaw na ang isa sa pinakamamahal mo sa buhay, syempre walang ganon kamanhid.
Habang
nasa libing ng kanilang ama ay madaming nanyaring di inaasahan. Una sa lahat ay
ang pag babangayan ng dalawang magkapatid dahil sa inggitan, pangalawa naman ay
ang naman nila na ang kanilang ama ay may unang asawa at meron ding anak. Sa
paglalabas ng katotohanan na ito ay naliwanagan sila lahat. Lalong lalo na si
Dolores, dahil siya ay may napakalaking tampo sa kanyang pinakamamahal na ama.
Ang kwento ay napaka makulay dahil sa mga aral at tradisyon na nakapaloob dito.
I. Pagsusuri
a.
Tradisyon
Ang Mga Pilipino ay may
mga tradisyon na kinalakihan na nila. Ang pinapakitang tradisyon sa pelikulang
ito ay ang pagiging ma-pamahiin ng mga
Pilipino. Marami parin kasi satin ang naniniwala sa mga sinasabi ng ating mga ninuno at ito’y ginagawa o pinaniniwalaan
parin nila hanggang ngayon. Ang mga ito kasi ay nakapaloob na sa pagiging
Pilipino natin kung baga ito na talaga ang nakasanayan. Nasasayo nalang kung
maniniwala ka din o itutuloy mo din ang mga tradisyon. Nakakatuwa ding isipin
dahil napaka malikhain talaga ng ating mga ninuno. Saka nakakapag taka din kung
saan nila ito nakuha at kung pano nila ito nalaman.
b.
Pamahiin
Pamahiin
|
Kahulugan
|
1. Bawal ang pagsusuot ng kulay
pula na damit sa patay.
|
-
Masyadong matingkad ang kulay na
ito at ito ay nagsisimbolong Masaya.
|
2. Lagyan ng pera ang kamay ng
patay.
|
-
Ito daw ay pampaswerte.
|
3. Bawal maglinis kapag may
patay.
|
-
Tinataboy daw kasi nito ang patay.
|
4. Bawal tuluan ng luha ang
kabaong ng patay.
|
-
Pagnagkataon daw ay mamalasin ka.
|
5. Bawal maligo sa bahay na kung
saan nakaburol ang patay.
|
-
Nanalasin at
dadalawin ng patay.
|
6. Maglagay ng sisiw ang ibabaw
ng ataol kapag siya ay napatay.
|
-
Para daw mahuli o matukoy ang may
sala o may kagagawan ng kanyang pagkamatay.
|
7. Bawal maghatid ng bisita ang
sino mang kamag anak ng patay.
|
-
Baka daw may susunod na mamamatay.
|
8. Dapat daw ihakbang ang mga bata sa ibabaw ng nitso ng patay kapag
ililibing na ito.
|
-
Para hindi sila
dalawin at para walang manyari sa kanilang masama.
|
9. Lagyan ng rosaryo ang palad ng patay tapos putulin o guntingin ito.
|
-
Para madali itong
makapunta sa langit.
|
10. Bawal magpasalamat sa mga dumadalaw o nagbibigay ng tulong.
|
-
Baka daw masundan
pa ang burol.
|
11. Bawal magtira o maguwi ng pagkain galing sa burol ng patay.
|
-
Baka daw ikaw ang
susunod na lalamayan.
|
12. Bawal dumiretso agad sa bahay, dumaan muna o magpalipas sa ibang lugar.
|
-
Baka ka daw sundan
ng kaluluwa nito at baka ikaw na daw ang susunod na kukunin.
|
13. Magbasag ng palayok pagkakuha ng ataol.
|
-
Para matangal ang
mga malas.
|
14. Kumutan ng kahit anong pulang tela ang mga bata.
|
-
Para did aw sila
dalawin.
|
15. Mag hulog ng pera habang nilalakad na ang patay papuntang sementeryo.
|
-
Para daw yumaman o
di kaya ay biyayaan ng pera.
|
16. Wag maglagay ng kahit ano mang matutulis na bagay sa patay maging sa
kanyang kabaong.
|
-
Baka daw mag
mumulto at hindi ito mananahimik habangbuhay.
|
17.
Bawal daw ang buntis.
|
-
Mahihirapan daw
manganak ang buntis kapag dumalaw.
|
|
-
Kasi daw ay may
susunod.
|
|
-
Hindi daw
makakaalis at baka daw bumalik balik ito.
|
c.
Implikasyon
1) Sa sarili
Namulat
ako sa mga nakita ko dito. Napaka dami pala nating mga pamahiin na ngayon ko
lang nalaman. Siguro kung titignan ko base saking nakikita ay ipagpapatuloy ko
ito kahit na mukha itong walang kinakalabasan, pero naniniwala parin ako dito
dahil ito ay galling sa ating mga ninuno. Kung baga ito ay isang tradisyon na
dapat ipagpatuloy. Sa totoo lang may nagagawa din itong mga mabuti satin. Isa
na dito ay ginagawa nito tayong masunurin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
pamahiin na ito kahit na di talaga natin alam ang kakalabasan nito sa huli. Ako
kasi minsan naniniwala ako dito, halimbawa nalang ay pag nangangati man ang
aking palad ay kaagad ko itong nilalagay sa akin bulsa. Nakakahiya man sabihin
pero ganon talaga tayong mga Pilipino, hindi lang pag may namatayan kundi narin
sa pang araw araw natin ginagawa.
2) Lipunan
Ang
lipunan natin ay napakamulat sa mga pamahiin. Ang mga pamahiin ay patuloy parin
nabubuhay sa mga tao. Pero sa tingin ko ay tuluyan na itong nabubura, katulad
nga ng sabi ni ma’am madami kasing nauusong iba sa ngayon kaya nawawala na ang
mga ito sa ngayon. Pero sana naman ay may matira parin. Kasi ito ay mga pamana
narin sa atin ng mga ninuno natin. Ito ay napakahalaga sa kanila kasi ito ay
natatangi. Maswerte nga tayong mga Pilipino dahil may ganito tayo. Sa ibang
bansa kasi ay madalang lang. Malaki din ang epekto nito sa ating bansa. May mga
masama at meron din naming mabubuti. Ang mga mabubuti ay mas nagiging masunurin
tayo at mas napapahalagahan natin ang mga ito at ang masama naman ay minsan mas
pinaniniwalaan natin ito kaysa sa diyos. Kaya wag natin kalimutan na andyan
lang ang panginoon para sa atin. Sa kanya dapat tayo maniwala ng lubos.
Comments
Post a Comment